Baby Natin, Kunwari {COMPLETED | FREE}
Share:

Baby Natin, Kunwari {COMPLETED | FREE}

READING AGE 16+

Luna_Margaret Romance

0 read

COMPLETED | TAGALOG


Kakagising lang ni Arkin, ni hindi pa siya tapos humigop ng kape nang may kumatok sa pinto niya— ang kapitbahay niyang masungit at manang na si Reema.

"Anak mo, naligaw sa pinto ko," anang bungad nito sa kaniya nang pagbuksan niya ng pinto.

Hindi pa man nag-sink in sa kaniya ang sinabi nito ay pinasok na ng babae ang baby stroller sa loob ng bahay niya.

"What the hell?"

"Anak mo nga."

"A—Anak...?"

"Congrats, tatay ka na pala!"

Siya? Tatay na? Sumumpa man siya na ang lahat ng babae na dadaan sa palad niya ay paiiyakin na niya, wala naman sa plano niya ang anak!

Ang ending, napilitan silang akuin ang bata. Naalala kasi niyang kailangan nga pala niyang mag-asawa upang makuha na niya ang naka-freeze niyang mana mula sa kaniyang namayapang abuelo. Mana na makukuha lamang niya 'pag nag-asawa na siya...

Maisahan kaya nila si Doña Matilde? Gayong alam nila ni Reema na sa dulo nito ay kailangan pa rin nilang ibalik ang bata sa tunay na mga magulang nito...


©May 2022 | Luna Margaret

***

[STORY WRITTEN IN TAGLISH]



Unfold

Tags: sweethumorouslighthearted
Latest Updated
20: Finale

MULI pang nabangga ni Clay Hondradez si Reema, nang lumabas kasi 'to ng pinto ay siyang pag-atras niya, ngunit sa pagkakataong 'yon naman ay nagkatitigan lang sila.

Oo, narinig niya ang lahat.

Narinig niya na ito ang tatay ni Baby Reemo. Hindi man malinaw sa kaniya ang iba pang mga narinig kanina na pag-uusap ng mga 't……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.